8.28.2010

Super Powers!

Back when I was a child, before life removed all the innocence. Wapaaak! Kumanta? :))) Seryoso na! Naalala ko nung bata pa ko, isa sa maraming tawag ng Mommy ko saken aside from Budang, Pangga, Taglitlit at marami pang iba, madalas nya kong tawaging SIRANIKA. Baket? Kase halos lahat ng laruan ko DAW, eh hindi inaabot ng monthsarry sa bahay namin. Hanggang 10days lang kadalasan ang buhay ng toys ko. Yun ang sabi nya ha. Parang imposible naman para sa isang batang kayut na kayut katulad ko ang mapanira ng toys!


One morning last week, nasira yung electric fan sa kwarto ko. Nasipa ko kase pag-bangon, ayon! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ko na maalala. Yeees, parang explenasyon lang ng driver na nakasagasa ng kambing. *eherm eherm*

Fast forward today, nakasira nanaman ako ng fan. This time yung sa kwarto ng mga magulang ko. Anyareh? Seryoso, binaba ko lang yung bilog tapos tumalsik talsik na yung elesi sa loob. AS IN natanggal yung tatlong tipak nya.

Kaya ngayon, natatakot ako tumingin sa salamin kase baka mamaya pagharap ko, kulay green na ako at may masel masel. Wala naman akong naaalalang nakipag-date ako kay The Hulk. OA lang talaga, wala naman kase akong in-exert na effort pero nakasira ako ng dalawang electric fan sa loob ng dalawang linggo. So ano na ko ngayon? Serial killer ng mga electric fan? Ganon? May super powers ba ako na ngayon lang lumalabas? Dati bang super heroes ang mga magulang ko? Kakaloka.

Infairness naman kase, yung una kong fan na nasira last week, 2006 pa. Yung nasira ko naman kanina, 2005 pa. Matagal-tagal na rin ang serbisyo nila. Ano naman ang magagawa ko kung hanggang don lang talaga ang buhay nila.

Tsk! Nonetheless, kinakabahan pa rin ako mamaya pag-uwi ni Daddy! :| Kase kagabi, inayos pa nya yung gulong sa ilalim, kumuha pa sya ng mga turni-turnilyo sa hardware para maayos nya yun.. YARI TALAGA AKO! Maigaaaad! :(((((

Eto sila. Ang walang kalaban-laban kong victims.


0 comments: