8.30.2010

Lola's Day Out

Both of my grandparents from Daddy's side died before I was born pa. Ang Papang naman ng Mommy ko, namatay waaaay before pa sila magkakilala ni Daddy pero buhay pa si Mamang aka Lola B.

3 days ago, dumating si Lola B. dito sa Manila from Gen.Santos City. I got to see her last Thursday after not seeing her for like 8 years na. Syempre, just like any other family gatherings, FOOD is all around! Lalo na yung Gen.San's finest... TUNA! May picture picture, chika chika. Opkors, narinig ko nanaman yung "Ang laki mo na!" at "Tumaba ka lalo!" HELLO? I haven't seen them in almost a decade na kaya malamang sa malamang eh lumaki at tumaba ako. EWAN! bahaha! Bitter?! =)))


Anyway, my Lola's actually suffering from kidney failure and according to her physicians, end stage na daw. Though ganon ang diagnosis sakanya, trust me, IT DOESN'T SHOW! Her purpose of coming here is para lagyan sya ng IJ cath or internal jugular catheter for her dialysis which was successfully placed naman yesterday. Hindi na kase nagwowork yung ususal sites since nag-shrink na yung veins nya. Let's not be too medical here shall we? Ang gusto ko lang naman kase i-kwento talaga is...

Upon exiting the hospital kanina, tinuro nya ako and she proudly told the guards and the orderly na naghatid sakanya, "Apo ko yan, nars yan". Sobrang napangiti ako ng bongga as in umabot ng tatlong rounds sa peiz ko! haha! Hindi kase kami masyado close ng Lola ko kaya nung pinagmalaki nya ako sa mga random people,  ang sarap lang sa pakiramdam.

On our way home, nabanggit ni Tita na true-blooded SOLID CERTIFIED Kapamilya si Lola. Kaya naman gora kami sa Mo.Ignacia at inikot ikot ko yung kotche sa ABS-CBN. Hindi na lang kami pumasok kase mejo mabilis na sya mapagod.

Sobrang nagpapasalamat talaga ako kay Lord kase He gave us this opportunity para makasama si Lola ng mejo matagal-tagal. Sabi ni Tita En, baka hanggang pasko pa sila dito. HOW FREAKIN' COOL IS THAT? (yuck, kumokonyo. bahahaha!) First time ko magse-celebrate ng christmas with a grandparent! Ano baaa? Excited na meee! :)

0 comments: