9.02.2010

Atehood file no. 9010

Kakatapos ko lang kausapin ng masinsinan si Kidsister. Kanina kase, habang naghihintay kami maluto ang hotdog na tig-7 peysos sa barbekyuhan ni Tita Grasya, may nakita syang dalawang aso na magkatalikod. Nakita ko rin naman. They were obviously making offsprings doggy style.

I didn't make a fuzz out of it pero I can see she's showing curiosity. Though alam naman nya na dogs hump each other kase we had puggies before. Ang explanation ko sakanya everytime na nagha-hump yung dalawang dogs namin, naglalaro lang. Hindi naman ako nag-lie since both male yung dogs namin non. Hindi naman talaga for reproduction ang reason ng humping nila.

Going back sa situeyshen, yung mga dogs na nakita namin, nasa last phase na wherein magkatalikod na sila. I guess the bitch was in pain kase walang tigil sya sa pag-tahol habang tinatry nya kumawala sa churchur nung male dog.


"Ate, ano kaya yung nakakabit sakanila?"
"Baket hindi matanggal?"
"Kawawa naman!"

Paulit-ulit lang na ganyan yung tanong nya sakin. Paulit-ulit rin naman yung sagot ko na "Magkakahiwalay rin sila..." Nangyari to lahat habang inaantay ko maluto yung order namin. Inabot na samin ni Tita G. yung food. Sakto, nagbuntong hininga si Kidsister. A sigh of relief malamang kase nagkahiwalay na nga yung dalawang aso.

Nagulat na lang ako kase umiyak yung kapatid ko. Well, iyakin naman talaga sya dati pa when it comes to animals. In fact, naiyak sya nung napanood nya ito at yung isa pang video na hindi ko na makita na tungkol rin sa dogs. Anyway, tumambling na kami pauwi kase tinatanong na sya anong nangyari ng mga tao na bumibili rin sa barbekyuhan.

Pagdating sa house, I sat her down sa room. During this time, ngumangawa pa rin sya. Honestly, habang iniintay ko sya kumalma, iniisip ko yung mga right words to say and right way kung pano i-explain. Naisip ko na chance na rin ito para umpishan ko sya sa sex education since going 10 yrs old naman na sya in weeks. Nung bata kase ako, taboo sa bahay namin ang any topic regarding sex. Yes, it's safe to say na our parents are kindda conservative sa topic na yon. I don't want my Kidsister to learn these things outside our home kaya kahit na kakaba kaba ako, tinry ko pa rin i-explain sakanya.

Mejo kalma naman na sya though humihikbi-hikbi parin. I started to ask her yung reason kung bakit sya umiyak. She said "eh kase akala ko hindi matatanggal". I told her then na it is a normal thing for dogs na mag-hump kase it's their own way to make puppies. Pinaintindi ko sakanya na for reproduction purposes yung nakita nya, na after a few months, makikita namin na may bago ng puppies yung dog ng kapitbahay. Inexplain ko na rin sakanya na isa pang term for reproduction process is sex, which is ginagawa ng mga tao para makapag-reproduce ng babies.

Tahimik lang sya all the time. Tinanong ko kung anong iniisip nya, kung may iba pa syang tanong. Pinaulit ko sakanya yung explanation ko and according to my assessment, naintindihan naman nya.

Being an Ate is not easy talaga. Given na ako pa yung panganay. Hindi naman ako nagrereklamo. Masaya pa nga ako kase I get to explain things kay Kidsister na yung mga hindi nya maintindihan. I thank God for the knowledge and wisdom. :)

2 comments:

Anonymous said...

anu ba yun, kinabahan rin ako nung nagtanong na si faith kasi alam ko na kung san mapupunta yung usapan. ganon rin kami sa bahay dati eh. naalala ko minsan pag nanonood kami ng mga relatives ko movie tas may kissing scene bigla. take note, KISSING SCENE. sasabihin na ng mga tita ko, pumasok kami sa kwarto.:| hindi rin naman kasi madaling mag-explain sa mga bata amp.

pero i know matalinong bata kasi si faith, kaya naging madali rin sayo repa. hay kaba moment ito.

-aubrey

Anonymous said...

ako nga nun pag may kissing scene, ako nagtatakip ng mata! haha.. anyareh?

jc